Convoy ng DepEd official tinambangan

IPINAG-UTOS ngayon ni Autonomous Region For Muslim Mindanao (ARMM) OIC Governor Mujiv Hataman sa Police Regional Office na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pananambang sa convoy ni Department of Education ARMM Regional Secretary Tamar Kulayan.

Bagama’t wala namang nasaktan sa nasabing pananambang, ipinag-utos pa rin ni Hataman ang imbestigasyon kay Police Regional Director Chief Supt Mario Avenido

Ayon sa report, galing ng Marawi City ang apat na sasakyang convoy ni Sec. Kulayan  pauwi ng Cotabato City nang pagsapit sa binisidad ng Ganasi at Pualas sa Lanao del Sur ay  pinaputukan ito ng mga hindi kilalang armado.

Nais ni Gov Hataman na tugisin ang salarin para mapanagot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply