CPP: Pagpapalaya kay GMA kapalit ng pagsuporta kay PNoy

MARIING tinuligsa ngayon ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang rehimeng Aquino sa pagbalewala nito sa panawagan ng sambayanang Filipino na pagbayarin si Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang mga kasalanan sa bayan kapalit ng suporta ng Pampanga representative sa kanyang administrasyon.

“This is the height of political quid pro quo between the ruling Aquino clique and the different factions of the reactionary ruling classes,” ayon sa  CPP.

Hindi na umano nakakagulat na ipag-utos ang pagpapalaya kay Ginang Arroyo isang araw makalipas na papurihan ng kanyang mga kaalayado sa kongreso at ideklarang si Pangulongb Aquino na isang ‘great leader’ at papurihan ang program of action na itinakda nito sa kanyang state of the nation address nitong nakaraang lingo.

“Nagkasala si Arroyo, ilang ulit nitong nilalabag  ang karapatang pantao, pandarambong sa kabay ng bayan, pagtataksil sa soberenya ng bansa. Sublit sa likod nito ay patuloy pa rin pinagkakalooban ng rehimeng  Aquino  si CGMA  malawak pamamaraang legal upang makagawa ng daan palabas sa kanyang pagkaka detini.” pagtulighs pa ng makakaliwang hanay.

“Her release from hospital detention was the logical consequence of the apparently deliberate legal fumblings of Aquino’s prosecutors both from the Department of Justice and the Commission on Elections,”ayon pa sa makakaliwang hanay.

Magugunitang nitong nakalipas na araw ay pinaboran ng korte ang inihaing petition ng kampo ni Arroyo na makapagpiyansa ito na kinatigan naman ni Judge Jesus Mupas ng Pasay Regional Trial Court Branch 112 dahil sa kabiguan umano ng government prosecutors na idiin ang dating pangulo sa sakdal na inihain laban dito.

Lubha pa umano pinalala ng Aquino administration ang sitwasayon ng palayain si Arroyo sa kanyang hospital detention nang mabigo rin ang Sandiganbayan na makapagpalabas ng warrant para dakpin ito sa nakahain plunder case, anang CPP.

“Even this plunder case which alleges the misuse of Philippine Charity Sweepstakes Office funds is seen to be weak. Arroyo has been treated with kid gloves in complete contrast to the characteristic brutality of her rule and the gravity of the crimes she is accused of.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply