Crane nahulog mula sa gusali sa Pasig

NAGDULOT nang matinding trapik ang nakalambiting crane na nahulog mula sa isang gusali sa kanto ng Meralco Avenue at Ortigas Ave., sa Pasig City.

Sa ulat sa radyo, naglilinis ng salamin ng UnionBank Plaza ang dalawang lalaking manggagawa na nakasaky sa nasabing crane nang maputol ang tali/kable nito at bumagsak.

Hindi naman tuluyang sumadsad sa lupa ang nasabing crane kaya hangang ngayon ay nakabitin pa rin ang crane sakay ang dalawang lalaki na sinisikap na iligtas ng mga rescuer.

Ayon pa sa ulat, nahihirapan ang mga rescuer na iligtas ang dalawang lalaki dahil sa gumegewang ang nakalambiting crane.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply