Czech national, inatiban ng 5 bebot

HALAGANG P50,000 ang natangay sa isang Czech national matapos itong mabiktima ng Ativan gang sa Ermita, Maynila.

Personal na dumulog ngayon sa Manila Police District-General Assignment section ang biktimang si Pavel Dudek, 24, Czech national, nanunulyan sa Friendly Guest House Hotel sa Ermita, Maynila.

Ayon kay PO3 Gibert Isole reklamo ng biktima na nawawala ang kanyang ATM-Visa Card.

Bukod dito, natuklasan nitong nai-withraw ang nabanggit na halaga sa kanyang ATM matapos magpadala ng mensahe ang bangko na ubos na ang kanyang pera.

Nauna dito, naglalakad dakong alas 4 ng hapon kahapon nang salubongin  siya ng isa sa suspek na nakilalang si Nicole hanggang sa kaibiganin siya nito at ipinasyal sa Chinatown at ipinakilala sa isa pang kasamahang babae .

Kumain sa restaurant bago niyaya sa bahay ng suspek sa Paranaque City.

Pagdating sa lugar ay sinalubong naman sila ng tatlo pang babae, nag-inuman at nagsayawan.

Nang makainom ng ilang bote ang biktima ay bigla na lamang itong nakaramdam ng pagkahilo at nang magising kinaumagahan ay nagtaka na lamang ang biktima kung paano ito nakauwi sa kanyang bahay.

Ayon kay Isole, posible umanong miyembro ng Ativan gang ang limang bebot na nambiktima kay Dudek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply