‘Daang matuwid’ ni Paje pagkalbo sa kabundukan

LALONG dumarami ang nananawagan kay Pangulong Noynoy Aquino na mga diskuntentong  empleyado ng Department of Environment and  Natural Resources na patalsikin at palitan si DENR Sec. Ramon Paje.

Maging si Forest Protection Advocate Father Pete Montallana ay kabilang sa  mga humihiling kay Pang. Noynoy na sibakin si Paje dahil sa kabagalang kumilos o walang kakayahang pigilan ang talamak na pagkalbo  sa kabundukan ng Sierra Madre.

Ang kalbong kabundukan ng Sierra Madre ang sanhi ng mga pagbaha lalo na sa lalawigan ng Quezon at Bulacan. Si Father Montallana ang chairperson ng Save Sierra Madre Network (SSMN) at awang-awa ang naturang pari hindi lang sa mga bundok maging sa mga residente sa paligid nito na namamatay sa mga landslide at flashflood.

Ibinida ng pari na ilang beses nang nagsumbong ang SSMN ukol sa nangyayaring katiwalian at kapabayaan ng DENR offices sa Quezon, Aurora, Isabela at Central Luzon pero tinutulugan lang sa pan-sitan ng nasabing kalihim.

Mantakin n’yo, maging itong si dating DENR Secretary na ngayon ay Zamboanga del Sur Gov. Antonio Cerilles ay kinukuwestiyon ang integridad at kuwalipikasyon ni Paje na nagtataingang kawali sa mga reklamo ng mga mamamayan kaugnay sa illegal mining sa lalawigan.

Bukod pa roon ay kinondena rin ng Kalikasan People’s Network for the Environment si Paje pero hindi rin kumilos si Paje. Pulos pabanjing-banjing at pakuya-kuyakoy lang ang ginawa sa opisina nito.

KOTONG SA ILLEGAL TERMINAL SA PASAY

Lalong tumitindi ang girian sa tong-collection sa illegal terminal sa Taft Avenue cor Edsa, Pasay City na kung saan ay parehong pinag-aagawan ng mga traffic enforcer ng Pasay City at ng MMDA. Magkano?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply