Dagdag sahod ng mga guro kunin sa sin tax collections

IPINANUKALA ni Aurora Rep. Sonny Angara na bigyan ang mga public elementary at high school teachers ng bahagi mula sa makokolekta sa “sin tax” upang magsilbing “first aid” stations sa may 22.1 milyong mag-aaral.

Isinulong ito ni Angara kasunod ng pagkakaroon ng ratio na isang doctor sa bawat 147,000 estudyante at P1.50 na budget sa bawat estudyante kada taon.

Tiwala si Angara, chairman ng House committee on higher and technical education, na makakatulong ang naturang pondo na kukunin sa tobacco at liquor tax collections sa pagkuha ng school-based health personnel para sa mga public school clinics.

Sinabi pa ng mambabatas na kahit na 5% man lamang mula sa taunang koleksyon ng excise tax at value-added tax collections sa alak at sigarilyo ay makakatulong para matugunan ang problema sa kakulangan ng doktor at gamot sa mga public schools.

Tinatayang ang makokolektang excise tax at VAT mula sa “sin products“ ay aabot sa P70 bilyon ngayong taon subalit inaasahang aabot ito sa P100B kada taon kapag naipatupad na ang inaprubahang panukala batas sa Kamara.

Naniniwala si Angara na malaking tulong na rin ang 5% o P5B para sa karagdagang doktor , nurses, dentista, kagamitan at gamot sa mga school clinics.

Nakapagtala ang bansa ng 22.1 milyong estudyante at kalahating milyong guro sa mga public schools subalit kahit gaano kalaki ito ay mayroon lamang 150 ang bilang ng “medical officers”, 617 dentista at 3,254 nurses sa public schools.

Sa kabila na ang naturang bilang ay naitala may limang taon na ang nakalilipas ay walang naganap na “hiring surge.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply