Dahil sa masamang tingin: Bisor tinodas ng sekyu

DAHIL sa masamang tingin, nagawang barilin ng isang security guard ang supervisor ng House Keeping Maintenance Service ng University Tower ll sa Sampaloc, Maynila kagabi.

Nasawi habang inoobserbahan sa Perpetual Succor Hospital ang biktimang si Wilfredo Rayzo Y Abrogar, 41-anyos, may-asawa at residente ng Sitio Militar, Barangay Bahay Toro Project 8, Quezon City.

Isinuko naman ng kanyang Security Agency ang suspek na nakilalang si Leonilo Flores, 29 may-asawa ng 1261 Mataas na Lupa, Paco, Manila.

Batay sa report ni Det. Crispino Ocampo, may hawak ng kaso, dakong 7:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa ground floor ng nasabing condominium tower.

Nagsimula umano ang iringan ng dalawa noong Huwebes nang sitahin ng suspek ang biktima na unahing dakutin ang mga basura na minasama umano ng biktima at nauwi sa panunulsol ng ibang kasamahan.

Nagparinig pa umano ang biktima kay Flores ng “huwag pakialaman ang trabaho namin, pakilaman mo ang trabaho mo.”

Nagkaroon pa umano ng komprontasyon sa pagitan ng dalawa subalit naawat naman bago pa magkasakitan.

Kinabukasan (Biyernes) padaan-daan umano sa harapan ng suspek si Rayzo, na umano’y nakangisi pa na parang nang-aasar.

Lalong nagngitngit ang suspek ng umano’y makitang masama na ang tinginsa kanya ng biktima kaya walang sabi-sabing binaril ito.

Mismong si Jess Largado, supervisor ng Imperial Security Agency ang nagdis-arma kay Flores at siya ring nagsuko dito sa pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply