Dahil sa negosyo: Magkakamag-anak nagpatayan

TATLO ang patay habang dalawa ang nasugatan makaraang magtalo ang magkakamag-anak sa Barangay Tatalon, Quezon City nitong Linggo, Hulyo 2, 2012.

Kinilala ang mga namatay na sina Grace Tana, 50, businesswoman, Arsenio Tan, 49, at Anthony Michael Tan, 25, businessman.

Nasugatan naman sina Abegail Tana,  22, bank employee at Angeles Bante, 39 kapwa isinugod sa  St. Lukes Hospital.

Agad namang nadakip ang mga suspek na mag-aama na sina Glenn Tan, 49, anak na si Amerson Mathew, 19 at Alaster, 18-anyos.

Sa  ulat  ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente  alas-2:10 ng hapon kahapon  sa no.35 –B Kabignayan St., Brgy. Tatalon, QC .

Sa ulat nina PO3 Loreto Tigno at PO2 J. Balbuana, nagtungo si Arsenio Tan at ang kanyang pamilya na sina Grace at Anthony sa bahay ng kanyang kamag-anak na sina Glenn Tan sa Tatalon, QC mulang Pampanga.

Pagdating  ng mga biktima sa  bahay ng suspek ay pinag-usapan ng mga ito ang kanilang negosyo na auto supply subalit nauwi sa mainitang pagtatalo ang pag-uusap ng mga ito.

Hangggang sa bumunot ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima na ikinasawi ng tatlo at malubhang ikinasugat naman ng dalawang iba pa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply