Dahil sa pera, anak kinatay ng magulang

HINDI makapaniwala ang mga imbestigador sa motibo sa pagpatay sa 36-anyos na lalaki na sinasabing pinagtulungang patayin ng kanyang mga magulang ng dahil lamang sa away sa pera sa Leyte sa ulat ng pulisya.

Sa report ng Palo PNP,  pinagtulungang saksakin ng sariling mga magulang ang biktima  na si Jhon Yao hanggang sa malagutan ng hininga sa loob ng kanilang bahay sa  Palo, Leyte.

Sa imbestigasyon ng Palo Municipal Police Station, napag-alaman na nakipagtalo ang biktima sa kanyang mga magulang dahil sa usaping pera.

Lumalabas na binato muna  ng nanay na si Villa ang kanilang anak bago sinaksak naman ng kanyang sariling ama  sa dibdib na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, agad din namang naaresto ang ina ng biktima habang patuloy pang hinahanap ng awtoridad ang nakatakas na tatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply