Dahil takot kay Direk Lamangan: Gladys sinabunutan si Alex kahit wala sa script

KUNG may magaling pero terror na direktor, si Joel Lamangan ‘yun. Maliban diyan, dakdakera at palamura pa raw ito. Kaya ang mga artista niya ay lihim na nanginginig sa takot sa kanya. Pero kapag tapos na ang proyekto, ngiting-ngiti naman sila dahil maganda ang resulta.

Anyway, heto nga si Gladys Reyes na magaling nang umarte pero takot pa ring mabulyawan at mamura ni Lamangan. Dahil sa tindi nang kanyang pagkasyokot, nasabunutan daw nito ang kaeksenang si Alex Gonzaga sa Enchanted Garden, nang wala naman sa script.

Nakangangang nagulat daw si Alex at sabay tanong nang, “Bakit?”. Sagot naman daw ni Gladys:

“Pasensiya ka na ha, ayoko kasing mapagalitan, e. Bininigay ko na.” Hahaha! Nakatatawa.

Gaano kaya karaming buhok ang nalagas kay Alex? Pagkatapos kasing sabunutan siya ni Meg Imperial, hindi nakuntento si Direk Joel at s’ya na mismo ang humablot sa hair ng una para ipakita sa huli ang tamang pagsabunot. At pagkatapos nga nang episode niya sa dalawa, umeksena naman itong misis ni Christopher Roxas.

Naku! Siguradong kapag natapos ni Gonzaga ang eco-serye na ‘to tiyak na para na siyang si Sisa sa kanyang buhok. Hakhakhak!

Going back to Direk Lamangan, eto ang sabi sa kanya ng sis ni Toni Gonzaga: “Hindi ko pa po nakikita talaga ‘yung pagiging terror niya, pero ano pa lang, ‘yung mga sigaw-sigaw naman niya hindi pa naman masyadong serious. Nakatutuwa pa siya.

“Right after naman ng take, ang bait na niya, ‘O, kain na tayo, anak…’

“So ginagawa lang niya ‘yun para sa ikagaganda nung eksena.”

***

Showbiz program parang wet market

PARANG wet market na raw ang showbiz program na ito kaya kailangan nang ire-reformat. Sobrang dakdakan at ingay. Tawanan nang tawanan, hindi naman daw nakatatawa ang pinag-uusapan. Tuloy nagwe-wet ang studio sa kanilang mga saliva. Hahaha!

Dahil sa asar ng executive producer, nagdesisyon itong ayusin ang show. Tatanggalin na raw ang portion na pinagmumulan nang ingay na walang katuturan. Dapat!

***

Alessandra de Rossi at Benjamin Alves bibisita sa Pare & Pare!

ISANG gabi na siksik sa katatawanan, kuwentuhan at kantahan ang ihahain nina PARENG BITOY at PARENG OGIE sa PARE & PARE ngayong Linggo ng gabi!

Uumpisahan nila ang gabi sa kantahan: ang anthem ng mga kabataang WE ARE YOUNG ay may kasabay na video gimmick na kaabang-abang. Bibinyagan din nila ang mga bagyo.. alin kaya sa BAGYONG NADIA, AMALIA at ANNABELLE ang magdulot ng pinakamalaking salanta?

Haharapin naman si ALESSANDRA DE ROSSI ang dalawa sa pinakamatabil na bata, ang fans ng kanyang on-screen katarayan si ANGELINA at BURECHE. Patatawarin kaya ng mga malditang bata ang kanyang lovelife, career at pinakabagong music video? Papasa rin kaya siya sa sampalan challenge?

Kasama rin sa kanilang kuwentuhan ang hottest viral video ng EAT BULAGA sa INDONESIA . Paano kung may version din ito sa Russia, Japan at Zimbabwe —ano ang kalalabasan ng kanilang Pinoy Henyo?

Bibisita rin ang pinakabagong Kapuso heartthrob na si BENJ ALVES. Kayanin kaya niya ang dalawang fans na hot na hot magtayo ng fans club niya? Ibubuking ba nila ang mga showbiz crush at idol niya para lang makakuha ng matamis na ngiti?

Sino naman kaya ang mga Philippine presidents na nagkaisa para gumawa ng MGA KABABAYAN music video?

Makitawa at maki-chika kasama sina PARENG BITOY at PARENG OGIE sa “PARE & PARE” ngayong Linggo ng gabi (July 22) sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng ‘Pinoy Adventures’.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply