Dalagang tinuklaw ng ahas iniwanan pa ng pangil sa paa

HINDI lamang sinagpang kundi naiwan pang nakabaon sa paa ng isang dalaga ang pangil ng ahas na tumuklaw sa kanya sa General Santos City nitong Sabado ng gabi.

Isinugod sa pinakamalapit na ospital sanhi ng tinamong kagat ng ahas sa kanang paa si Vanessa Doctor, 18, ng Barangay Bula, GenSan matapos makaranas ng pamamanhid at pananakit din ng ulo sanhi ng kamandag na ahas.

Sa kabutihang palad, hindi masyadong malakas ang kamandag ng Anlulukay kaya nagpapahinga na lamang sa ngayon si Doctor sa ospital.

Sa ulat, alas 6:30 nitong Sabado ng gabi sa may bandang talahiban na ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay naganap ang insidente.

Ayon sa biktima, naglalakad siya sa naturang talahiban nang maramdamang may kumagat sa kanyang paa kaya sa takot ay iwinasiwas niya ang kanyang paa para matanggal sa pagkakagat ang nasabing ahas.

Sumaklolo naman agad sa biktima ang kapatid nito na kasabay niyang maglakad  at tinapakan ang naturang ahas.

Pero pagdating nila sa ospital, laking gulat ng mga tumingin na doktor nang makitang nakabaon pa ang pangil ng ahas sa paa ng kanilang pasyente na agad namang inalis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply