Dalagita nireyp ng tiyuhing holdaper

IPINAG-UTOS na ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pormal na paghahain ng kasong rape sa notoryus na holdaper na ipinagharap ng kasong panggagasaha sa kanyang 14-anyos na pamangkin sa Tondo, Maynila.

Ipinrisinta kay Manila Mayor Alfredo Lim ni P Supt. Alexander Navarette ang suspek na nakilalang si Jordan Ramis, 25 at residente ng Fronda St. Tondo, Maynila.

Dumanas nang matinding trauma ngayon ang biktimang itinago sa pangalang Amor matapos na tatlong ulit na pagsamantalahan ng suspek na ang pinakahuli ay naganap noong Hulyo 14 sa mismong bahay nito sa Tondo, Maynila.

Isinasailalim ngayon ang 2nd year high school student sa psychological examination sa Philippine General Hospital (PGH) matapos kumpirmahin na dumaranas ng post traumatic depression.

Nabatid na dumulog ang mga magulang ng biktima sa tanggapan ng alkalde, matapos na makialam ang Barangay Chairman na si Jose “Toto” Arnaldo, nang unang arestuhin ang suspek para mailagay sa kanyang kustodiya. Nalaman na kaibigan umano ni Arnaldo ang ama ng suspek.

Noong Hulyo 16, napansin ng mga magulang ng biktima ang kakaibang ikinikilos ng dalagita na bigla na lang nananahimik at kinakitaang ng pagkakaroon ng “suicidal tendency,” kaya napilitan silang dumulog sa alkalde para muling maaresto ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply