Dalagita sugatan sa bakbakan ng 2 grupo ng MILF

BUMULAGTA sa ligaw na bala ang isang dalagita nang magbakbakan ang dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front forces (MILF) sa Maguindanao, ayon sa ulat ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang Linggong update, sinabi ng NDRRMC na ang nasugtanang babae ay residente ng Sultan Sa Barongis sa Maguindanao.

Maayos na ang lagay ng biktima pero nananatiling nakaratay pa rin ito sa ospital. Sinabi rin ng NDRRMC na noong nakaraang Biyernes, may 2,344 pamilya o 9,388 katao ang nagsilikas dahil sa armed conflict.

Sinabi rin na ang sigalot ay bunga ng awayan sa lupa o  land dispute sa pagitan ng 105th and 106th base commands ng MILF, at sangkot ang 7 barangay villages sa Sultan Sa Barongis at Rajah Buayan.

Ang mga naapektuhang mga lugar sa Sultan Sa Barongis iay kabilang ang Papakan, Gadungan, Kulambog, Tukanakuden, Bulod, at Masulot.
Nasa local elementary schools ang mga nagsilikas na mga pamilya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply