Dalagitang kasambahay, minartilyo ng anak ng amo

NAGMISTULANG kulay talong ang buong katawan ng isang 16 anyos na kasambahay matapos itong maltratuhin at martilyohin ng anak ng kanyang amo sa Sta.Ana, Maynila.

Kasalukuyan ngayong nasa pangangalaga ng Manila-Department of Social Welfare and Development ang biktima na itinago sa pangalang Liza.

Sa salaysay ng biktima, nangyari ang pagmamaltrato sa kanya ng suspek na si Gary Hernandez, anak ng kanyang amo nito lamang gabi ng July 8 at July10 sa loob ng kanyang pinapasukan bahay sa Kasarinlan St sa Sta.Ana, Maynila.

Ayon pa sa biktima, hindi lamang pangmamartilyo ang kanyang naranasan sa suspek kundi pinagsisipa pa siya sa tiyan at tinadyakan sa mukha kung saan halos pumutok ang labi nito.

Sa pagsisisayat ng Manila –DSWD, nagalit umano ang suspek nang hindi makita ang  flashlight na kanyang hinahanap at napagdiskitahan ang biktima.

Agad namang natulongan ang biktima ng ilang concerned citizen sa lugar at dinala sa pulisya upang makapaghain ng reklamo laban away Hernandez na ngayong nagtatago sa otoridad.

Nakipag-ugnayan na rin ang DSWD sa MPD-Station 6 (Sta.Ana) para sa agarang pagkaaresto ng suspek.

Kaugnay nito, nanawagan naman si DSWD Chief Jay de la Fuentes sa kamag-anak ng suspek na isurender na lamang nila ang suspek upang mapanagutan ang ginawang pagmamaltrato sa biktima.

Nakatakdang sampahan ng kasong physical injury in relation to 7610 at attempted homicide si Hernandez.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply