Dalagitang may sakit sa pag-iisip niluray ng karpintero

DAKIP ang isang karpintero nang maaktuhang ginagahasa ang 14-anyos na dalagita na may sakit sa pag-iisip sa Balungao, Pangasinan.

Kinilala ang salarin na si Renato Sibayan, 43, ng Brgy. Rajal sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon, nabatid na unang nakitang nakikipag-inuman ang suspek sa bahay nito kasama ang isang Roderick Pascua bago magpaalam.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig si Pascua ng isang babaeng humihingi ng saklolo sa loob mismo ng kuwarto ng suspek.

Sapilitang binuksan ni Pascua ang pinto at tumambad ang nakapatong na suspek sa dalagita.

Kaagad ipinahuli ni Pascua ang suspek habang nagpositibo sa genital examination ang biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply