Daloy ng trapiko sa Edsa maayos na – MMDA

IPINAGMALAKI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant General Manager Atty. Emerson Carlos na unti-unti nang umaayos ngayon ang daloy ng trapiko sa Edsa.

Ang gumagandang daloy ng trapiko ay matapos ipatupad ngayong buwan ng MMDA ang yellow lanes na nagbabawal sa mga pampasaherong bus na dumaan sa flyover, underpass at ibang linya maliban sa dalawang linyang inilaan para sa mga bus.

Nilinaw ni Carlos na natural lamang ang mga naranasang matinding trapik sa Edsa ng publiko dahil sa paninibago sa ipinatupad nilang ordinansa.

Ipinagmalaki pa ng MMDA ang malaking pagbaba ng bilang ng aksidente sa Edsa magmula nang ipatupad ang yellow lane.

Ayon MMDA Chairman Francis Tolentino, mula sa dating 44 na aksidenteng naitatala sa Edsa kada linggo ay bumagsak ito sa 6 na kaso ng aksidente.

Kasabay nito, inamin naman ni Tolentino na nagiging sanhi nang mabigat na daloy ng trapiko ang yellow lane na dulot ng sobra-sobrang bilang ng mga bus na bumibiyahe sa Edsa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply