Dapat lumikas, lumikas na – Malakanyang

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga pamilyang nakatira sa mga delikadong lugar na hindi sasantuhin ng hagupit ng bagyong Gener.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na hindi dapat pairalin ng mga ito ang pagmamatigas kapag inilikas na sila ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

“Kapag sinabi po ng mga awtoridad na kailangan po tayong lumikas, sana po tayo ay makinig para maiwasan naman po ‘yung pinsala sa buhay at sa properties po natin. Mas mahalaga po ‘yung ating kaligtasan kaysa po maiwanan, mabantayan po natin ‘yung bahay o kung ano pa ho man. Mas importante po ‘yon so sana makipag-cooperate po tayo doon sa mga awtoridad at maging handa lang po,” ani Valte.

Pinayuhan din ng Malakanyang ang mga ito na maghintay  ng mga bababala na galing sa Pagsa, DOST dahil ang NDRRMC naman ang nakikipag-ugnayan sa local disaster risk reduction and management committees.

Taas ng presyo


Samantala, hindi dapat mabahala ang mga mamimili sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa bagyong Gener.

Ang katwiran ni Usec. Valte ay linggo-linggo namang pino-post ang presyo ng mga pangunahing bilihin kaya’t bago pa mamalengke ang isang ina ay mayroon na itong pagbabatayan ng presyon ng kanyang bibilhin.

“Para guidance din po doon sa mga pagbaba, pagtaas o sa hindi po paggalaw ng ating mga presyo sa gamot, sa isda, sa baboy, sa bigas at sa kung anu-ano pa pong mga normal na pangangailangan sa ating tahanan,” ayon kay Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply