Dasal ni Tagle: Magkaroon ng Bible-based online games

UMAASA si Manila Archbishop Antonio Tagle na magkaroon ng Bible-based online games o mga role-playing games (RPG) na base sa Banal na Bibliya, sa halip na mga karahasan na siyang ‘accessible’ sa mga kabataan sa pamamagitan ng internet.

Ayon kay Tagle, ang mga RPG na batay sa karahasan ay nagiging masamang impluwensya sa mga kabataan.

Ipinaliwanag ni Tagle na natatatak kasi sa isipan ng mga kabataan na ang pagpatay at pananakit sa kapwa ay isang paraan upang magtagumpay.

Umaasa rin naman si Tagle na magkakaroon rin ng mga online games na base naman sa Bibliya.

“I hope there are more games based on the Bible in the internet. Why don’t (game developers) create games based on the Beatitudes where the more hungry people you feed, the more thirsty people you quench with drinks, or more prisoner you visit in jail, the more successful you become,” pahayag ni Tagle, sa kanyang keynote speech sa 1st Catholic Social Media Summit ngayong araw.

Kasabay nito, binalaan rin ng arsobispo ang mga mananampalatayang Katoliko, partikular ang mga kabataan, na iwasan ang mga violence-based internet games, na inilarawan nito bilang “base, raw and primitive.”

Sa halip, sinabi ni Tagle na dapat tangkilin at isulong ng mga ito ang mga Bible-based games.

Hinimok rin ni Tagle ang mga mananampalataya na palaganapin ang Kristiyanismo at mga Salita ng Diyos, sa pamamagitan ng internet.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply