Datungerong talaga: Diamond earrings, regalo ni John Lloyd kay Angelica!

MATUNOG ang tsismis na talagang nagkakamabutihan na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

Napapabalitang may nakakita sa kanila na nagdi-date diumano sa The Fort.

Balita rin na dinala ng magaling na actor si Angel sa bahay nila para ipakilala sa pamilya niya at binigyan pa raw nito ng diamond earrings.

Lumalalim na talaga ang pagtitinginan ng dalawa Hindi naman siguro ipakikilala ni Lloydie si Angel sa pamilya niya at bibigyan pa ito ng mamahaling alahas kung hanggang friends lang sila?

Korek!

-0o0-

SEY ni Gerald Anderson, magkaibigan pa lang daw sila ni Sarah Geronimo. Hindi  pa raw opisyal ang relasyon nila gaya nang napapabalita. At hindi naman daw siya nagmamadaling sagutin ng Pop Princess. If ever na maging sila, hindi raw siya tutulad sa ibang artista na inililihim ang pakikipagrelasyon at aamin lang pag break na.

“Kaya rin hindi pa ako pumapasok sa isang relasyon kasi ayaw ko rin naman yun ano, yung kailangang itago. Kasi parang unfair yun para sa ‘yo at para sa babae at para sa inyong dalawa,” deklara ng guwapong actor.

“Kunwari sabihin natin na kung girlfriend ko si Sarah, siyempre magiging proud talaga ako, hindi ko itatago yun. Pero sa ngayon, sobrang proud pa rin ako dahil kaibigan ko siya. Sobrang lalim yung pagkakaibigan naming sa isa’t isa,” aniya pa.

‘Yun na!

-0o0-

GUSTO mo ba ng isang gabi ng awitan ng walang humpay?

Type mo bang balikan ang mga hits ng Protégé & Mentor at siguradong kikiligin kayo sa mga favorite love songs na kakantahin nilang dalawa.

Protégé mentor, songwriter at hitmaker Aiza Seguerra kasama ang kauna-unahang Protégé Grand Winner Krizza Neri… Live at Zirkoh Tomas Morato sa August  11, 2012, Sabado at 11pm.

Ito na ang pagkakataon mong mapanood ang dalawa sa pinakamalalambing at magagandang boses sa larangan ng pagkanta!

Kaabang-abang ang breathtaking duet nila ng kantang If I Could at Wind Beneath My Wings.

Special guest sa show ang rockista na si Osang na tumatak ang kagalingan at nag-trending worldwide sa X-Factor Philippines.

Para sa ibang detalye mag-email sa rfcastro2008@yahoo.com.

-0o0-

MARAMI ang nangungumusta sa love life ng teen comedienne na si Kiray Celis pero paulit-ulit niyang sinasabi na ayaw niya pa raw magka-boyfriend dahil priority niya ang pag-aaral at career ngayon. Pero hindi tulad ng karak -ter niya sa LUV U na si Whitney na ubod na bitter sa mga guys, hindi naman daw siya boy-hater.

“Ayoko lang ma-stress”, ani ng 17-year old LUV U star. Nang kamustahin naman ang relationship niya with his on-screen partner na si Igi Boy Flores, “Actually, nag-aasaran pa nga kami na bagay talaga kami pero wala lang sa amin ‘yun kasi nga parang magkapatid lang kami e.”

Sige na nga!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply