Davao Oriental niyanig ng lindol

NIYANIG ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao Oriental kaninang umaga  Hulyo 29,2012, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivocs niyanig ng intensity 4 na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur. Habang naramdaman naman ang intensity 3 na lindol sa Bislig, Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs dakong alas 11:04 ng umaga kanina nang maramdaman ang lindol at ang location ng lindol ay sa 27 kilometro ng Hilagang 87 Silangan ng Cateel Davao oriental .

Ang origin ng lindol ay tectonic wala naman iniulat na napinsala sa naturang lindol habang may inaasahan pang mga aftershocks.

Kaugnay nito, sa hiwalay na ulat niyanig naman ng 4.2 magnitude na lindol ang Davao del Sur kahapon ng umaga.

Naramdaman ang intensity 1 na lindol sa General Santos City dakong alas 11:27 ng umaga kahapon sa Silangan ng Don Marcelino Davao del Sur.

At tectonic ang origin ng lindol habang  99 kilometro naman ang lalim sa lupa ng naturang pagyanig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply