Dayaan sa PBA ibinuking ni Allado

GALIT na galit si Barako Bull forward Don Allado hinggil sa mapait na  pagkatalo ng kanyang team sa kontra Powerade Tigers sa kanilang do-or-die game kagabi sa Araneta Coliseum sabay sabing dinaya ng Philippine Basketball Association  ang  kanilang laban.

Tinalo ng Tigers ang  Energy sa iskor na 99-95 upang manatili sa kanilang kampanya para masila ang huling semi-finals slot sa PBA Governors Cup.  Umiskor  si Allado  sa laban ng seven points.

Sa serye ng tweets,  inatake ni Allado ang PBA dahil sa kanyang pananaw na nasa likod ng  pangdaraya o kanilang pagkatalo ang mismong PBA matapos ang hindi patas na hatol ng mga referee.

“I can accept losing to teams. But I can’t accept losing because of referees,” ani  Allado sa kanyang tweet. “I am bitter about losing. Not to Powerade, but to PBA. In my opinion, the league has little credibility left.”

Galit ding sinabi ni Allado na isang kahihiyang ang maglaro sa PBA dahil sa nagaganap na dayaan, “it’s a disgrace to be in this league.”

Sa payo ng fans kay Allado na burahin ang kanyang tweet dahil baka siya parusahan ng PBA, sumagot si Allado na sige parusahan nila ako at isisiwalat ko ang kanilang kabulukan.

“I hope they sanction me. I will expose them all.,” ani Allado sa kayang tweet.

Sinabi naman ni PBA commissioner Chito Salud na wala na sa lugar ang mga sinasabi ni Allado.

“He is indicting not just the game officials, but the entire organization and membership of the league, his co-players and team officials alike,” ani Salud  sa kanyang  tweete sa PBA Connect.

“This is a serious accusation, and I do not intend to take it lightly,” dagdag ni Salud.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply