Dayuhan nasalisihan sa hotel

ISANG dayuhang Hapon ang nasalisihan at natangay ang kanyang bag sa lobby sa isang Hotel sa Roxas Boulevard sa Malate, Manila.

Dahil dito, agad na nagtungo sa tanggapan ni P/Sr.Insp. Ramon Meneses, OIC ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section, si  Akira Koide Sugiyam, nasa hustong gulang,  tubong Tokyo, Japan at nanunuluyan sa Grand Boulevard Hotel, sa Roxas Blvd., Malate.

Batay sa report ng pulisya, dakong 2:30 ng hapon, nang maganap ang nasabing insidente sa lobby ng nasabing hotel.

Hinala ng nasabing dayuhan na dalawang lalaki umano ang hinihinala niyang kumuha ng kanyang bag na naglalaman ng mga kagamitan.

Ang mga nasabing suspek na hindi pa nakikilala ay huli niyang nakita na lumapit sa kanya bago nawala ang kanyang bag.

Dahil dito, isinailalim na sa interogasyon ang ilang kawani ng Hotel, upang mabatid kung may kaugnayan ang mga suspek sa nasabing Hotel o nakapasok lamang para mangulimbat ng mga gamit ng mga dayuhang mag che-check in sa nasabing Hotel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply