Dayuhang aktor nasagip ng PCG sa Cebu

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang dayuhang artista matapos mawasak ang sinasakyan nitong motor boat habang naglalayag sa karagatan ng Cebu.

Ayon kay PCG  Spokesman Lt Cmdr Arman Balilo, una ng naiulat na nawawala ang dayuhan na kinilala lamang sa pangalang Josh habang patungo sana ng Camotes Island galing ng Cebu City.

Matapos makatanggap ng report ang coast guard ay agad naman nagsagawa ng sea and aerial search and rescue operation ang kanilang mga barko at naispatan si Josh na palutang-lutang may tatlong kilometro ang layo sa Camotes island.

Si Josh  ay agad ding naisugod sa Diosdado Memorial Hospital sa Cebu.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply