De Lima dedma sa panawagang bawiin ang pagtanggap ng nominasyon

INISNAB lang ni Justice Secretary Leila de Lima ang panawagan sa kanya na iatras ang pagtanggap nito sa kanyang nominasyon bilang chief justice ng Korte Suprema.

Una nang nanawagan ang Kamara kay de Lima na bawiin na ang kumpirmasyon sa nominasyon sa kanya upang maging Chief Justice ng Supreme Court.

Ayon kay de lima, personal na pasya naman niya bilang nomiando  kung ano ang magiging posisyon  sa chief justice bid  bagamat iginagalang niya ang sinabi ni House majority leader Neptali  Gonzales Jr.,

Maging si acting Chief Justice Antonio Carpio ay hiniling din ng kinatawan ng Mandaluyong na bawiin na  ang kumpirmasyon sa kanilang  nominasyon dahil sa  kanilang naging posisyon sa impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona.

Ngunit binigyang-linaw ni De Lima, handa naman siyang sumailalim sa nararapat na proseso kaya hindi niya bibitiwan ang kanyang laban para sa naturang pwesto sa hudikatura.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply