De Lima, nasa listahan pa ng JBC – Chiz

INIHAYAG ni Senador Francis “Chiz” Escudero na mananatiling nasa listahan ng Judicial and Bar Council (JBC) si Justice Secretary Leila De Lima sa kabila ng disbarment case na isinampa sa Supreme Court.

Sa panayam nitong Linggo, sinabi ni Escudero na nakatakdang magdesisyon ang JBC sa Hulyo 30, kung tatanggalin o hindi ang kalihim sa listahan.

“Pagdating ng botohan, pero hindi pa naman kami nagbobotohan. Ako nga ang humiling nun eh, hindi lang dahil kapwa kami Bicloano, but it’s the fairest thing to do to giver her every possible opportunities to get the case one way or another,” ayon kay Escudero.

“Hangga’t hindi kami nagbobotohan, although mukhang imposible or malabo dahil isang lingo na laang ang pinag-uusapan natin, still we offer everyone similarly situated that much, na huwag munang i-disqualify, ituloy muna sa … hanggat hindi dumadating sa puntong magbobotohan na kami. Dahil kung kami’y magbobotohan na, iisa-isahin ulit yun.. kung sino ang qualified at disqualified. At pwedeng masama sa listahan ng pwede naming pagpilian,” dagdag pa niya.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply