De Lima: Pagpapalayas sa mga DOJ reporters, tuloy

SA KABILA ng mga batikos, nagmatigas ang Department of Justice na itutuloy nila ang planong paalisin sa second floor ng main building ang dalawang tanggapan ng media na nagcocover sa kagawaran.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, paninindigan ng executive committee ng DOJ ang plano para bigyang daan ang programang rationalization para mas maging epektibo umano ang kagawaran.

Nasa second floor ng main building ng DOJ ang tanggapan ng mga pinuno ng kagawaran na kinabibilangan ng secretary, undersecretaries at assistant secretaries.

Bagamat aminadong malaki ang naitutulong ng media sa DOJ, sinuportahan naman ni De Lima ang rekumendasyon ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA na kinakailangang bawasan ang mga ambush interview dahil hindi raw malayo na makasingit ang mga nagkukunwaring kagawad ng media.

Tila naghugas kamay din si De Lima nang siya ay tanungin kung maari pang magkaroon ng pagbabago sa plano nang sabihin niyang sumusunod lamang siya sa desisyon ng executive committee kaugnay ng pagpapatupad ng rationalization program at sa pagpapaalis sa mga tanggapan ng media sa second floor ng main building.
Una nang tinutulan ng mga kagawad ng media na nagcocover sa DOJ ang plano dahil magkakaroon na ng paghihigpit sa pagkuha ng panayam at hindi rin kasi makatwiran na ituring ang media na banta sa seguridad ng kagawaran

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply