De Lima, Sarmiento posibleng matanggal sa pagka aspirante sa CJ

POSIBLENG matanggal sa listahan ng pagbobotohan sa pagka-Punong Mahistrado ng Korte Suprema si Justice Secretary Leila de Lima kapag hindi nito naayos ang kanyang disbarment case.

Binigyan ng Judicial and Bar Council (JBC) si de Lima  ng hanggang Hulyo 30 upang ayusin ang kanyang kaso .

Bukod kay de Lima ay maari ring hindi maalis sa listahan ng pagbobotohan si Commission on Elections (Comelec) Commisioner Rene Sarmiento dahil sa lagay ng kanyang kaso sa Ombudsman.

Ayon kay  Rep.Neil Tupas, isa sa miyembro ng JBC, sakaling mabigo sina De Lima at Sarmiento na malutas ang kanilang kaso sa ibinigay na taning, hindi sila isasama sa mga pagbobotohan sa Hulyo 30.

Sa ngayon ay 22 na lamang ang kabuuang bilang ng mga nominado para sa susunod na punong mahistrado na sasalang sa public interview  sa Hulyo 24  hanggang Hulyo 27.

Inalis naman sa listahan ng nominado ang apat dahil nabigo silang makapasa sa panuntunan ng JBC.

Kabilang dito si Regional Trial Court (RTC) Judge Amelia Tria-Infante na pinagmulta ng P11, 000.00 dahil sa kasong administratibo, Ferdinand Jose David Emmanuel Edralin Marcos Sr. na lagpas na sa itinakdang edad, dating Malabon Judge Florentino Floro na sinibak ng Korte Suprema sa serbisyo at Jocelyn Esquivel na isang nurse.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply