De Lima wala sa listahan para sa CJ post

INILABAS na ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang walong nominado na kanilang napupusuan para sa susunod na punong mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Sa walong nominado ay hindi nakasama ang pangalan ni Justice Secretary Leila de Lima.

Magugunitang ilang araw pa bago ang public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ay nagdaos na ng sariling version ng interview ang grupo ng mga abogado.

Ayon kay IBP Spokesperson Atty. Trixie Angeles, walong pangalan mula sa 20 nominado ang may pinakamatunog na kwalipikasyon sa pananaw ng kanilang mga miyembro.

Kabilang na rito sina Solicitor General Francis Jardeleza; Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Andres Bautista; dating UP law dean Raul Pangalangan; acting Chief Justice Antonio Carpio; SC Associate Justices Roberto Abad, Arturo Brion, Ma. Lourdes Sereno at Teresita Leonardo-de Castro.

Ilang miyembro ng JBC naman ang nagsasabing si de Lima ang isa sa malakas na aspirante sa pagka-CJ bagamat wala siya sa kanilang listahan.

Gayunman, nilinaw ng IBP na malaking dahilan ng hindi pagsama sa listahan kay de Lima ay ang kanyang kinakaharap na kaso sa Ombudsman at disbarment case dahil sa hindi pagtalima sa inilabas na kautusan ng korte noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, magugunita na minabuti ng JBC na suspendihin muna ang kanilang pagboto para sa shortlist ng susunod na CJ ng SC para resolbahin ang ilang isyu partikular ang desisyon ng Kongreso na hindi muna sumali sa selection process.

Nakatakda sana ang botohan sa shortlist ng JBC members bukas ngunit ipinagpaliban at gagawin na lamang sa Agosto 2.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply