Deadma lang sa pandideadma ng dating karelasyon!

BAKIT tahimik si LJ Reyes na hindi binanggit ang pangalan niya at ang baby nila ni Paulo Avelino na si Aki nang manalo ito ng award sa URIAN? Nakabibingi ang katahimikan niya.

“Kasi po kahit ano naman ang sabihin ko, ang dami pong lumalabas na isyu, tatahimik na lang po ako. Bahala na po silang mag-isip, nakapapagod na po magsalita,” tugon niya.

Ano’ng klaseng reaksyon ‘yun ?

“Deadma lang,” tumatawa lang niyang pahayag.

May arrangement ba sila ni Paulo kaya tahimik lang siya?

“Nasa trabaho kasi kami so, kung ano ‘yung nasa  trabaho, ‘yun lang ang gusto naming pag-usapan at ise-share namin sa inyo,” sambit pa niya.

Hindi ba ‘yun offending bilang isang babae at nanay ng anak niya parang ang dating ni Paulo ay single siya at parang hindi siya proud?

“Hindi lang naman ‘yun ang paraan para ipakita na proud, e! Hindi lang naman ‘yun ang way na proud ka sa family mo. Pakiramdam ko hindi naman porket kung hindi nasabi…feeling ko nasa isip lang nila dahil nandito kami. I’m sure naman hindi niya nakalilimutan si Aki,” pagtatanggol niya kay Paulo.

‘Yung mga press na concerned sa kanya ang nainis sa hindi pagbanggit ni Paulo sa anak niya. Huwag na lang kay LJ pero sa anak niya.

“Napahinga na lang ako. Hindi ko po alam, e!

“E, alam niyo, hindi naman talaga ‘yun magaling magsalita. Kahit ano po ang gawin natin, hindi po niya kaya ang mga interbyung ganyan so, ibigay na lang po natin sa kanya na hindi siya talaga spontaneous na tao at hin- di siya good speaker as he is,” aniya pa.

Basta ang mahalaga raw ay nagkakaintindihan sila ni Paulo, at masaya sila kasama ang kanilang anak.

Anyway, dalawa ang pelikula ni LJ na ipalalabas, una nga ‘yung ‘Intoy Syokoy’ at sa October naman ‘yung Tiktik: The aswang chronicles with Dingdong Dantes.
Sa ‘Intoy Syokoy’ ay nag-topless si LJ at nakita ang boobs. Ayon sa isang nakakita ng eksena ay tayung-tayo ito.

“Kailangan talaga sa eksena kaya nagtanggal ako. May dahilan, makikita niyo naman sa film kung ano ang dahilan. Nakalimutan ko nga na topless ako run kasi ang haba ng eksena. Sabi ni JM (De Guzman), oy tapos na. Inabutan niya ako ng towel,” kuwento pa niya.

Ipinaalam ba niya kay Paulo ang pag-topless niya sa pelikula?

“Hindi na. Hindi naman sa walang pakialamanan pero choice ko naman ‘yun, e, di ba?,” aniya pa.

-0o0-

TINANONG si Gov. Vilma Santos sa presscon ng The Healing kung itinuloy ba niya ang pagkakaroon ng Twitter Account. “Hindi ko sasabihin kung sino ako,” tumatawa niyang sabi.

Tinuruan daw siya nina Janice De Belen, Pokwang at Direk Chito Roño nang nagsu-shoot sila.

“Alam ko na ang nangyayari… nagbabasa ako ng Twitter every day and before I sleep and when I wake up. Marunong na ako,” pagmamalaki pa niya.

“Dito lang sa pelikulang ito nakabili ako ng iPad 3, nakabili ako ng iPhone…malay kong gamitin ‘yan! Basta me- ron akong cell phone na BlackBerry, pero dito literally tinuruan nila ako. Pagkaturo sa akin, ‘Bili ka, bili ka, dali, dali!’ Dala ko na sa set at tinuturuan ako ro’n literal talaga. At ngayon, nagbabasa na po ako ng Twitter. Ngayon, hindi ko sasabihin kung sino ako ro’n, abangan n’yo na lang! Ang ginagawa naman namin ngayon is direct message!” tumatawa pang sambit ng Star For All Season.

May komento rin si Ate Vi sa mga bashers ng mga artista sa Twitter.

“Hindi, kasi naaawa rin ako run sa mga artista natin na… kaya sinasabi nila huwag masyado kasi ang dami nang artista na naapektuhan ng Twitter. Hindi na, kasi personal, e, nahahalo na. Wala yun nung araw, e. And sa klase ng mga status ng mga artista natin ngayon, nababastos… may mga bashers. Hindi deserving ng mga artista ring ito na matagal nang nasa industriya. Pero because of this technology na ito, parang hindi nagiging maganda tu- loy yung status ng mga artistang naghihirap din naman para sa industriyang ito. Parang ganun na lang kadali para i-bash ka… hindi, e. Hindi tama,” deklara pa niya na kung saan sa July 25  na papalabas ang ‘The Healing’ kasama sina Kim Chiu, Martin Del Rosario, Mark Gil .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply