Dengue express lane sa mga ospital isinusulong

ISINUSULONG ngayon ng Department of Health (DOH) na magkaroon ng dengue express lane sa mga pribado at pampublikong ospital sa bansa.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Eric tayag, na layunin nito na agarang mabigyan ng aksyon at atensiyong-medical ang mga pasyenteng may dengue.

Dagdag pa ni Tayag, ang dengue express lane ay makatutulong din upang agad na maihiwalay ang mga pasyente na kailangang i-admit sa ospital.

Ang hakbang na ito ng Kagawaran ay bunsod nang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue na naitatala sa bansa.

Batay sa tala ng DOH, pumalo na sa 46,651 mula noong Enero ang naitalang kaso at 294 sa mga ito ang kumpirmadong namatay.

Samantala, hindi lamang ang sakit na dengue ang tinututukan ngayon ng DOH kundi maging ang enterovirus o EV-71 virus at iba pang matitinding karamdaman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply