DENR at DPWH: Circulo Verde tapyasan

MAGANDA ang naging kautusan ng DPWH na tapyasan ng 10-15 meters ang portion ng Circulo Verde kung saan kumukurbada ang ilog ng Marikina papunta sa Ilog Pasig. Ito ang lugar na tapat ng Mang-gahan floodgates at Rosario Weir.

Nalaman namin ito mula kay Lou Navarro, Asst. PIO ng Marikina na kasama ni Ryan Lao at crew ng ABS-CBN na natiyempuhan ang presentation ng Circulo Verde tungkol sa mga hakbang na kanilang gagawin bilang comp-liance sa mga kondisyon ng DENR at DPWH.

Humingi kami ng kopya ng powerpoint presentation ng Circulo Verde at kopya ng utos ng DENR at DPWH pero di pa ito ipinadadala sa Marikina LGU.

Ito ay ikinatuwa ng Marikina na siyang unang nagsiwalat sa encroachment ng Circulo Verde sa Marikina River. Kung inyong maaalala, si Victoriano Sabiniano Jr., City Administrator ng Marikina, ang nanguna sa krusadang ito.

Nabahala si Sabiniano sa maaaring pinsala na idulot nito sa buhay, ari-arian, kabuhayan ng mga taga-Marikina at iba pang bayan na nasalanta ng baha ng Ondoy nu’ng 2009.

Tag-ulan kasi nu’n at napansin ni Sabiniano ang pagkitid ng ilog sa parteng ito kung nasaan ang Circulo Verde at iba pang establishments. Ayon kay City Engineer Kennedy Sueno, ang average na lapad ng Marikina River ay 65-70 meters.

Nu’ng mag-ocular ang mga opisyales ng Marikina kasama sina Mayor Del de Guzman, Vice Mayor Fabian Cadiz, at ang GMA-7 news crew ni Cesar Apolinario nu’ng isang taon, sinabi ng isang mataas na opisyal ng MMDA Flood Control na doon mismo nag-oopisina sa Rosario Weir tapat ng Circulo Verde, na ang laki ng kinitid ng ilog sa kurbada na iyon kung ikukumpara sa lapad nito nu’ng una siyang mag-opisina dito more than 10 years ago.

In fairness, kung pagbabasehan daw ang titulo ng Ortigas Company na siyang developer ng Circulo Verde – di makokonsidera na encroachment ito dahil pasok sa titulo nila yung area na nire-claim nila.

Kaso sa batas, di na pwedeng bawiin ang lupa na kinain na ng ilog.

Ang puwede na lang gawin ng developer ay ipaalam sa Assessor’s Office kung ilang metro ang dinadaluyan ng ilog para ma-bawasan ang kanilang amilyar.

Maraming salamat sa vigilance ng Marikina, DPWH at DENR. Maraming salamat din sa Ortigas para sa pag-comply nito sa utos ng DPWH at DENR. Hopefully, di na mauulit ang Ondoy sa Marikina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply