DENR: Puwersang militar kailangan vs illegal logging

NAGPAPASAKLOLO na ang Department of Environment and Natural Resouces (DENR) sa Department of National Defense (DND) upang pangunahan ang pagsugpo sa Anti-Illegal Logging Campaign ng gobyerno sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay Environment Secretary Ramon Paje kailangan na ang lakas ng militar sa mga lugar ng Davao at Caraga dahil tumitindi na ang insidente ng illegal logging sa lugar

Bukod pa rito ang paglobo ng bilang ng mga forest ranger na napapatay dahil tinatambangan ang mga ito sa pagtugon sa kanilang mga trabaho.

Naniniwala si Paje na malaki ang maitutulong ng militar sa kaligtasan at pagbabantay hindi lang ng mga kagubatan at maging sa mismong tauhan ng DENR.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply