DENR resource analyst niratrat ng hired killers, todas

NIRAPIDO ng armadong motorcycle-in-tandem na pinaniniwalaang mga hired killers ang isang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Zamboanga City .

Dead on arrival sa ospital sanhi ng tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Rogerlio Miang, 50-anyos, isang special resource ng DENR.

Hinahanting na ngayon ng pulisya ang dalawang armadong kalalakihan na kapwa hindi ibinunyag ang pangalan para hindi masunog ang kanilang ikakasang paghahanap laban sa mga ito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 6:30 nitong Linggo ng gabi sa tapat mismo ng bahay ng biktima sa Barangay Tumaga, Zamboanga City.

Ayon sa isang retired police na ayaw magpakilala at nagkataong nasa lugar, bago ang insidente ay papasok na ang biktima sa kanyang bahay nang pagbabarilin ng isang armadong lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasamahan.

Nang makatiyak na masama ang tama ng biktima, humarurot ang mga suspect palayo sa lugar ng krimen.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na ang riding-in-tandem na bumaril kay Miang ang siya ring bumaril at pumatay sa 2 negosyante kamakailan lang sa nasabi rin lungsod.

Nagpalabas na rin ang pulisya ng computer generated sketch sa mga suspect.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply