Medical at dental mission ikinasa sa Pasay

DINAGSA ng daan-daang residente ang isinagawang medical and dental mission ngayon sa lungsod ng Pasay.

Ang programang pangkalusugan ay kaugnay sa ika-73 anibersaryo ng radio station DZRH na nilahukan ng iba’t ibang local government units (LGUs) sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Pinangunahan ni Jeorge del Rosario, kilalang negosyante sa lungsod ang paglulunsad ng malaking medical mission, kaagapay ang 11 dalubhasang doktor at walong  nurses na aasiste sa naturang programa sa lungsod ng Pasay.

Mabibigyan ng libreng medical at dental service ang mgs residente sa Brgy.191, 192, 193, 194, 195, 196, 197, 198, 199 at 200

Tinatayang umabot sa mahigit sa 1,021 pasyenteng bata at matatanda ang naitalang dumating sa iba’t ibang barangay. Inaasang aabot pa sa 3,000 residente ang darating na magtatamasa para sa libreng proyekto.

Ayon kay Del Rosario, bukod sa libreng programa mamamahagi rin sila ng mga gamot at bitamina para sa mga residente ng barangay na sakop ng Our Lady of Airwayas Parish (Pildera 1 at 2), Rivera at Sun Valley.

Patuloy din ang nutritional feeding program para sa kabataan. Bukod dito, mayroon ding Play and Learn for children, Livelihood at business technique seminars.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply