Depektibong helmet, ipagbabawal na ng DTI

IPAGBABAWAL na ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbebenta ng mababang uri at depektibong helmet na ginagamit ng mga nagmomotorsiklo bunga na rin ng  matinding pinsalang tinatamo ng riders sa nagaganap na aksidente sa lansangan.

Nabatid kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, kinakailangan na lahat ng mga imported na helmet na ibebenta sa merkado ay may tatak na import commodity clearance (ICC) o pumasa sa kanilang safety standards upang matiyak na hindi depektibo o mababang uri ang mabibili ng motorcycle riders.

Ang mga nakabili naman ng helmet na wala pang validation at sticker ng ICC ay maaaring dalhin sa kanilang iba’t ibang sangay ng tanggapan sa Metro Manila upang masuri at malagyan ng libreng sticker.

Kabilang sa mga tanggapan ng DTI na maaaring puntahan ng riders ang mezzanine floor ng Roxas Strip sa kanto ng Roxas Blvd at Arnaiz Ave., The Atrium sa Makati Avenue kanto ng Paseo de Roxas, Plaza 986 sa Standford kanto ng EDSA sa Mandaluyong City at sa compound ng Valenzuela City Hall sa Karuhatan.

Sinabi ni Maglaya na malinaw sa umiiral na batas sa ilalim ng R.A. 10054 o ang Motorcycle Helmet Act of 2009 na papatawan ng kaukulang multa ang mahuhuling gumagamit ng depektibo o hindi wastong uri ng helmet habang nagmomotorsiklo.

Sa ilalim ng naturang batas may katapat na multang P1,500 ang mahuhuli sa unang paglabag, P3,000 sa ikalawa at P5,000 sa ikatlo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply