Derrick Monasterio, ayaw ma-take 2 sa ‘Luna Blanca’!

INAMIN ni direk Dominic Zapata na may good attitude sa trabaho ang young actor na si Derrick Monasterio sa ika-lawang aklat ng Luna Blanca. Gusto kasi nitong ma-perfect ang bawat eksenang ginagawa niya sa primetime soap kung saan siya ang magiging love interest ni Barbie Forteza, ang teen-ager na si Blanca.

Ayon kay direk Dominic, malaking paghamon kay Derrick ang role niya sa Luna Blanca. Hindi basta-basta ang role dahil kailangan ng mga dramatic scenes na may iyakan pa.

So far, nakaka-take 2 lang si Derrick kay direk Dom (palayaw ng director) pero gusto nitong take one lang siya palagi kaya humihingi ito ng advance script para mapag-aralan niya ang kanyang mga eksena kahit sa bahay pa lang.

Bale big break ng apat na Tween Hearts stars na mapasama agad sa evening primetime ng GMA 7 via Luna Blanca. Ang tinutukoy naming apat ay sina Derrick, Barbie at ang bagong tambalan nina Bea Binene (bilang si Luna) at si Kristoffer Martin. Mapapanood ang apat simula sa July 16 sa Luna Blanca pagkatapos ng 24 Oras.

000

NANG nakausap namin si Barbie Forteza sa last presscon ng Luna Blanca hinggil sa kung nasaan na ang dating lea -ding man niya sa Tween Hearts na si Joshua Dionisio, nasabi niyang wala na raw silang communication ng binatilyong actor. Hindi na raw sila ganong ka-close buhat ng nagkahiwalay sila nang matapos ang Tween Hearts.

Kahit may issue na lilipat na sa ibang network si Joshua ay hindi man lang nag-comment si Barbie. Hindi man lang daw nila ito napag-usapan noon.

Para kay Barbie, magiging loyal siya sa GMA 7 dahil alaga siya ng network. Bukod sa Luna Blanca, may regular dramedy siyang Tweets For My Sweet bilang younger sister ni Marian Rivera. Bale second lead roles ang ginagampanan ni Barbie at partner niya si Elmo Magalona sa comedy show na idinidirek ni Uro dela Cruz na ipinalalabas tuwing Sunday pagkatapos ng 24 Oras weekend edition.

Pagkawala ni Joshua sa showbiz career ni Barbie bilang leading man, dalawa agad ang ipinalit, sina  Derrick Manasterio at Elmo.

Ganyan sa showbiz. Paiba-iba ng kapartner lang basta’t matanggap ng tao ang kanilang loveteam.

000

Bubble Gang, binubusisi nang husto nina Ogie Alcasid at Michael V ang bawat portion

HINDI pa rin matinag ang kinalalagyan ng Bubble Gang bilang no. 1 gag show sa bansa na napapanood tuwing Friday night. Kasi ba naman, hindi rin maubusan ng ideas ang mga lead stars nitong sina Ogie Alcasid at Michael V.

Pareho silang dalawa nagku-contribute sa creativity ng programa. Pati mga bagong portions  ng show ay pinag -aaralan nang husto ng dalawa kasama ng mga creative writers ng show.

Bawat idea nina Ogie at Michael V ay dumadaan sa masusing pag-aaral ng mga creative writers. Kailangang ang portion ay maging tulad ng kinagigilawan ngayong Boy Pick Up na dahil sa naiibang pick up lines na talagang nakatatawang panoorin. Gayundin ang hindi malilimutang batuhan ng patawa nina Cheche Bureche.

Ibinabalik din sa alternative weeks ang classic nang portion na Dating Doon.

Siyempre, maraming seksi stars ang Bubble Gang na tinawag na nilang Bubblets na kinabibilangan ng mga topnot- hers sa FHM cover girls na sina Sam Pinto, Ellen Adarna, Jackie Rice at Gwen Zamora.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply