Desisyon ng DOJ haharangin ng kampo ni Gatdula

INIHAYAG ng abogado ng kampo ni dating NBI director Magtanggol Gatdula na gagawin nila ang lahat upang maharang ang desisyon ng Department of Justice.

Ginawa ni Atty. Abraham Espejo, abogado ni Gatdula, ang pahayag dahil sa pagkadismaya nila matapos na ibasura ng DOJ ang petisyon nito na humihiling na itigil ang imbestigasyon sa kasong kidnapping at extortion na isinampa ng Hapones na si Noriyo Ohara.

Sa omnibus order, ibinasura ang petisyon ni Gatdula at iba pang respondent ng mga tumayong investigating panel na sina Asst. State Prosecutor Juan Pedro Navera, Irwin Maraya at Hazel Decena-Valdez.

Ayon sa panel, iba umano ang pormal na reklamong inihain ni Ohara na siyang sentro ng kanilang imbestigasyon doon sa inilabas na pagpapatigil ng Manila Regional Trial Court Branch 8 na tumutukoy lamang sa fact finding na ginawa ng DOJ.

Kasabay nito, siyam na iba pang mosyon ni Gatdula at iba pang respondent ang ibinasura ng mga prosecutor kabilang ang mosyon na humihingi ng agarang pagbasura sa reklamo at pagpapalipat sa lugar ng preliminary investigation.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply