Desisyon ng korte, igalang

IGALANG ang desisyon ng korte.

Ito ang panawagan ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay sa lahat ng tutol sa ginawa ng korte na pagpayag na makapagpiyansa si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“We should respect the courts ruling. She should be released as soon as all documents are in order,” giit ni Magsaysay.

Sa panig naman ni House Minority Leader Danilo Suarez ay binigyang diin niya na ang medical bulletin o payo ng mga doctor ng gobyerno ang siyang dapat na masunod sa pagpapagamot ni CGMA.

Aniya, handing sumunod ang kampo ni CGMA sa gobyerno kaugnay sa plano ng dating pangulo na makapagpagamot ng kaniyang karamdaman. Si Suarez ay kabilang sa mga unang dumalaw kay CGMA kaninang umaga sa VMMC at nagbalitang excited na umanong dumalong muli sa sesyon o committee hearing ang dating pangulo kung kakayanin ng kaniyang kalusugan.

Sinuportahan naman ni Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla ang desisyon ng korte sa pagsasabing “nararapat lang kasi wala pa namang conviction and pressumed innocent. Also shows evidence against her is weak.”

Maging si CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna ay nagsabing dapat lamang igalang ang naging desisyon ng korte.

“Tayo po ay naniniwala na ang korte ay nagdedesisyon base sa complaint at sa ebidensya,” ani Tugna.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply