Desisyon ng Pasay RTC iaapela ng Comelec

IAAPELA ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) pabor sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makapagpiyansa kaugnay sa kinasasangkutang kasong electoral sabotage.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, maghahain sila ng Motion for Reconsideration para bawiin ng korte ang inilabas nitong desisyon.

Naniniwala si Brillantes na mayroong kuwestyon sa proseso dahil sa pinayagan nang makapagpiyansa ang kampo ng dating pangulo kahit pa hindi naaabisuhan ang prosekusyon.

Bagama’t dismayado sa desisyon ni Judge Jesus Mupas, nanindigan si Brillantes na malakas ang naging testimonya ni dating Maguindanao provincial administrator na si Nori Unas na ang dating Pangulo mismo ang nag-utos na gawing 12-0 ang resulta ng eleksyon, pabor sa mga kandidato ng administrasyon.

Gayunman, sinabi ni Brillantes na iginagalang niya ang desisyon ng korte at ihahain ngayong umaga ang motion for reconsideration (MR) kaugnay sa pagpayag ng Pasay RTC na makapagpiyansa si Ginang Arroyo.

Sinabi pa ni Brillantes na hindi sila nababahala dahil may Hold Departure Order (HDO) naman ang dating Pangulo mula sa Sandiganbayan dahil sa plunder case na kinakaharap nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply