DFA wala pang ulat sa pag-alis ng Chinese vessels sa Pag-asa Island

HANGGANG ngayon ay wala pa ring nakukuhang opisyal na ulat ang Malakanyang mula sa Department of Foreign Affairs at Philippine Navy kaugnay sa pag-alis ng 20 Chinese vessels sa Pag-asa Island bitbit ang mga ninakaw na mga yamang dagat.

Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na nakatanggap na sila ng mga ulat mula sa media tungkol sa kaganapan, ngunit wala pa silang natatanggap na opisyal na ulat.

“We have consulted with the DFA. They say so far news reports pa lang lumalabas. (We have) not gotten any official report from the Philippine Navy. ‘Di pa kami magkokomento rito,” ani Valte.

Sinabi ni Valte na magbibigay lamang sila ng komento sa oras na may matanggap ng opisyal na report mula sa Navy.

Sa ulat, sinasabing umalis na ang 20 Chinese fishing vessels mula sa Pag-asa Island sa pinag-aagawang Spratly Islands ngunit dala ang mga ninakaw na yamang dagat doon.

Tinuran ni Western Command spokesman Lt. Col. Niel Estrella, mula sa isinagawang maritime air surveillance sa isla, napag-alamang nakaalis na ang Chinese fishing vessels sa lugar.

Bukod sa China at Pilipinas, sangkot din ang Brunei, Malaysia, Taiwan, at Vietnam sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply