Di binayarang Hapon, nagwala, 1 utas, 5 kritikal

PATAY ang isa sa anim katao sa serye ng pamamaril ng isang Hapon na nagrambo makaraang hindi bayaran sa kanyang milyong pisong pautang sa Marikina City kagabi.

Nag-ugat ang pamamaril ni Kunimitso Matsuo, 56, Japanese national, ng Malaya St., Brgy. Malanday nang malamang niloko siya ng sariling bayaw na si Salvador Panim, 30, ng 8 Marrit St., Brgy Concepcion Uno dahil sa pagbili nito ng mga lupain na wala namang mga titulo.

Lumalabas na aabot sa P2 milyon ang napaluwal ng suspek sa kanyang bayaw

kabilang pa ang salaping cash na ipinuhunan sa pagpapautang na unti-unting hindi na naibalik kung saan maski sa San Mateo Rizal ay nakaabot pa ang libong pisong pautang ng suspek.

Nang maburyong ay kinuha ng suspek ang 9.mm caliber at unang pinuntahan ang bahay ng bayaw na si Panim alas-8:35 ng gabi at walang sabi-sabing pinagbabaril nang matagpuan.

Hindi rin pinatawad ng nagrambong Hapon sina Orlando Corpuz, 42 at ang mag-lolang Evangeline Silot, 56 at apo na si Jay, di tunay na pangalan, 6 na taong gulang , ginagamot pa sa Amang Rodriguez Medical Hospital.

Bago tumakas ang suspek ay pinuntahan pa nito ang mag-asawang Ronald Bajo, 43 at Nymph Bajo, 42, ng Purok-2 Buntong Palay, San Mateo na sinasabing may malaki ring pagkakautang sa suspek at pinagbabaril din.

Nang maaresto,  sinabi ng suspek na pinagbabaril niya ang mga biktima dahil sa panloloko sa kanya nang hindi magbayad ng mga utang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply