Di daw true sabi ng kaibigan: Rita Avila, may tililing?

ISYU yung kakakiba na raw ang mga ikinikilos ni Rita Avila ngayong mga panahong ito kaya siya sinibak sa Walang Hanggan. Ipinalalagay na may tililing na ang aktres dahil nga mga manika ang inaari niyang mga anak na pinaiinon ng gatas at pinapalitan ng diapers.

Sa one-on-one interview kay Eula ay napag-usapan ang tungkol sa tsismis sa pagkawala ni Rita Avila sa Walang Hanggan. Siya ang gumanap na Jane na asawa ni Marco (Richard Gomez) na namatay nga sa plane crash.

Ang tsismis na hindi rin naman namin mapaniwalaan, kaya raw tinanggal si Rita sa serye ay dahil sa kakaiba nitong kilos to the point na during tapings ay nakikita raw itong nag-aalaga ng kanyang tatlong manika.

Mabilis na ipinagtanggol ni Eula si Rita laban sa tsismis na ito.

“Ay hindi ’yan totoo,” kaagad na sabi ni Eula. “Hanggang doon lang ang role niya talaga. From the start ay sinabi na hanggang doon lang talaga ang role niya. And meron siyang back problem.

“Ako, may back problem rin ako pero ’yung sa kanya yata, malala. Hindi totoo ’yung tsismis, grabe naman! Friend ko ‘yun,” sey pa ni Eula.

Di na sineseryoso ng mga lalaki…

BABAENG patikim na lang ba ang magiging drama ni Rufa Mae Quinto?

Definite na, di na tuloy ang kasalang Rufa Mae Quinto at Boy2 Quizon.

Actually, nung i-announce ng dalawa na pakakasal sila ay wala namang sumeryoso sa kanila. Many doubted that it would push through since she has made similar wedding announcements before but they all fizzled out.

Now, the latest news is that the wedding is definitely off as they had a bitter falling out.

It’s said it’s Rufa Mae who decided to call it quits as they’re having frequent fights due to the projects that they’re supposed to be doing together in Rufa Mae’s production company.

Well, looks like business and romance don’t really mix well. Their relationship that started in Bubble Gang lasted for only a year and few months.

At magkaaway na raw sila ni Boy2 ngayong mga panahong ito. Minamalas lang ba talaga si Rufa Mae?

Ilang araw lang ba siya tumagal sa Wil Time Big Time, bago siya sinibak?

Sa rami ng mga problema niya ngayon, both in love and career, idagdag pa yung tsismis na deklaradong persona non-grata siya sa USA, aba talagang lahat yata ng kamalasan nasa kanya na.

At meron pa bang lalaking seseryoso sa kanya ngayon?

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply