‘Di pag-iisyu ng prangkisa sa AUV isinisi sa LTFRB

ISINISI ng Department of Transportation and Communications (DOTC) Planning Division sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) kung bakit hanggang ngayon ay sarado pa rin ang pagkakaloob nila ng linya sa mga pampasaherong sasakyan sa bansa partikular na sa mga Asian Utility Vehicles (AUV) express vehicles.

Sa panayam, sinabi ni Flor Creos, head ng Planning Division ng DOTC, na nagpalabas na sila ng memorandum order para sa LTFRB na magsumite sa kanila ng imbentaryo ng mga AUV na naisyuhan ng prangkisa.

Ayon kay Creos, ang bagay na ito ang dahilan kung bakit hindi  makapagpalabas ang DOTC ng route measuring capacity (RMC) sa mga nag-aaplay ng linya sa bawat lugar.

“Matagal na kaming naghihintay ng sagot ng LTFRB sa memo ng DOTC tungkol diyan, hanggat hindi nagsa-submit ang LTFRB ng inventory ng mga nabigyan ng franchise, hindi kami makakagalaw para mabigyan ng RMC ang mga nais magkaroon ng pagkakataon na makapasada sa isang ruta” pahayag ni Creos.

Nanawagan din ang opisyal sa mga pinangangakuan ng mga tiwaling tauhan ng LTFRB na mabibigyan ng prangkisa dahil kapag hindi ito dumaan sa DOTC ay hindi ito legal at hindi awtorisado ng ahensiya.

Binuksan din ni Creos ang pintuan ng tanggapan sa mga taong gumagamit ng mga pangalan ng mga opisyal ng DOTC para makapasada.

Sinabi pa ni Creos na mananagot sa DOTC ang sinumang opisyal ng LTFRB na nagkaloob ng prangkisa na hindi nakipag-ugnayan sa kanilang ahensiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply