Dike, pinangangambahang bumigay sa Nueva Ecija

STO. DOMINGO, Nueva Ecija – Nangangamba ngayon ang mga residente ng apat na barangay dito na bumigay ang dike na siyang humaharang sa malawak na ilog ngayong panahon ng tag ulan.

Ayon kay Teodulo Lazo, dating barangay chairman ng Dolores, nanawagan sila sa mga ahensya ng gobyerno na tulungan silang maiayos ang dike bago ito masirang tuluyan.

Sinabi pa ni Lazo na halos kasing laki na lang ng pilapil ang dike na kaya lang hindi pa bumibigay ay dahilan sa mga daang daang sandbag na kanilang inilagay noong nakaraang taon.

Ang mga barangay Dolores, Lourdes,Concepcion,Hulo at Malaya ang direktang maaapekttuhan ng pagbaha kung sakaling bumigay ito.

Sinabi naman ni Rina Castillo, na sila ang babahain ng tubig sakaling masira ang dike.

“Nangangamba po kami sa aming buhay, at masisira po ang  aming palayan at gulayan  kung bumaha po ditto dulot ng pagkasira ng dike.

Sinabi naman ng lokal na pmahalaan ng Sto Domingo na kakailanganin ang P40- Milyong pondo para mai –repair ang nasabing dike.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply