Dinagat Islands nilindol ng magnitude 4.9

NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang Dinagat Islands kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-5:59 ng umaga nang yanigin ng lindol ang naturang lugar.

Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 8 kilometers Hilagang-Silangan ng bayan ng Dinagat.

Naramdaman din sa ibang bahagi ng lalawigan ang naturang lindol.

Wala pang naitalang aftershocks matapos ang pagyanig na tectonic ang origin.

Wala ring naiulat na nasirang ari-arian o nasaktan sa lindol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply