Dingdong, Lovi magti-team-up sa soap ni Direk Maryo J.

MAY bagong ihip ang development ng bagong soap ng GMA7. Pagsasamahin na sa isang soap sina Dingdong Dantes at Lovi Poe at kanilang ka-triangle ay si Neil Ryan Sese.

Dahil si Direk Maryo J ang mamahala ng soap, tiyak isa itong obra na nasa tradition ng mga top rating soaps ng GMA7, ang longest running soap na Munting Heredera na tumagal ng nine months sa ere at ang no. 1 soap sa first quarter ng GMA, ang Biritera, na tampok ang baguhang child star na si  Roseanne Magan. Ang Munting Heredera at Biritera ay pawang idinirek ni Maryo J.

Balita naming isang historical at period ang bagong soap ni Direk Maryo J na tiyak gagawa na naman ng milagro sa evening primetime pagdating sa rating games.

Bale second time na nag pagsasama nina Dingdong at Lovi na unang nagtambal sa movie na “Aswan” na di pa ipinalalabas sa bansa pero iniikot na iba’tibang film festivals sa abroad.

000

HULING linggo na lang ng appearance nina Mona Louise Rey at Jillian Ward sa Luna Blanca. Sila ang magkapatid na kambal sa soap na may three generations ang kwento.

Sa pagtatapos ng appearance nila ay may nabuong friendship sa dalawang batang stars. Dahil sa dalas ng bonding ng dalawa, naging tunay silang magkaibigan.

Kahit bata pa sila, gusto nilang magkaroon ng regalo sa bawat isa. Di pa raw nila alam ang ibibigay sa isa’t isa. Maaaring maganap ito sa huling taping ng sinasabing child superstars ng GMA Network.

Opposite ang character nina Mona at Jillian. Sapul pa nang nakita namin si Jillian sa Trudis Liit soap niya na nagpasikat sa bagets, magaslaw ang bata at hindi nauubusan ng battery sa katawan. Si Mona Louise naman ay talagang mahinhin at typical na batang tamang-tama sa role na inaapi ng mga kontrabida.

Pero hanga kami sa dalawang batang ito. May kanya-kanya kasi silang katangian kapag umaarte na sa harap ng kamera. Pareho silang alerto sa roles na kanilang ginagampanan.

Si Mona Louise ay kilala sa pagpapatulo ng luha ng sunud-sunod na parang umaagos talaga. Si Jillian naman ay kilala sa mga mahahaba at bubbly character na unang hinangaan sa kanya sa Trudis Liit.

Sa pagtatapos ng child episode ng kambal na sina Jillian at Mona Louise, hindi matatawaran ang naging contribution ng dalawang bata sa ikagaganda ng soap na idinidirek ni Dominic Zapata.

Papalit bilang teenager na Luna ay si Bea Binene at si Blanca naman ay gagampanan ni Barbie Forteza. May kanya-kanyang love team na sila, si Bea ay partner si Kristoffer Martin at si Barbie naman ay si Derrick Monasterio.

000

WALANG humpay na pamimigay ng pera ang gagawin ni Rep. Manny Pacquiao sa kanyang top-rating game show na Manny Many Prizes dahil mas pinalawak at pinalaki ang Easy Manny segment ng Manny Many Prizes sa kagustuhan ni Sarangani Rep. Pacquiao na makatulong sa mas maraming tao.

Sa portion na ito naglalaro ang mga masusuwerteng studio players na matiyagang pumila para lamang magkaroon ng ticket. Labing lima sa kanila ang bubunutin at maghaharap hanggang sa matira ang pinakamadiskarte at pinakamabilis sa pagbibigay ng tamang sagot.

Linggu-linggong tinututukan ang Easy Manny kung may mag-uuwi na ba ng isang milyong jackpot prize.

Buong Pilipinas ang dapat tumutok dahil lahat ay may pagkakataon nang makasali rito.

Hindi na rin dapat alalahanin kung paano makapupunta sa programa dahil kung isa ka sa mapipili, sagot na ni Ninong Manny ang pamasahe mo gaano man kalayo ang iyong panggagalingan basta’t makarating, makapaglaro at manalo ka ng hanggang sa isang milyong piso.

Samantala, guests sa show mamaya sina Bela Padilla, Rich Asuncion, Kylie Padilla, Mike Tan, Ynna Asis- tio, Enzo Pineda, Steven Silva at Dominic Roco.

Abangan kung paano makasali sa Easy Manny at magkaroon ng tsansang manalo ng 1 milyong piso sa Manny Many Prizes pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply