Dinky gigisahin ng Kamara sa CCT

GIGISAHIN ng ilang kongresista si Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman kaugnay sa pinagkagastusan ng bilyon-bilyong pondo para sa Conditional Cash Transfer (CCT) program ng naturang ahensya.

Ito ang tiniyak ni Isabela Rep. Rodolfo Albano dahil nais aniya ng mga kongresista na maipaliwanag sa publiko kung sino-sino ang tumanggap ng naturang pondo.

Sinabi ni Albano na mismo ang Commission on Audit (COA) ang nakadiskubre sa ilang iregularidad sa implementasyon ng CCT program gaya ng pagkakaroong ng daang libong hindi kuwalipikadong mga benepisyaryo, “double entries” sa listahan ng mga binibigyan ng buwanang cash subsidy at iba pa.

Naniniwala si Albano na ang kapalpakan sa CCT program na ito, sa ilalim ng pamamahala ni Soliman ay resulta nang kabiguan ng kalihim na magpatupad ng epektibong “monitoring at evaluations” sa hanay ng mga binibigyan ng ahensya ng naturang buwanang ayuda.

“The huge yearly CCT budget allots fund not only for the cash grants to program beneficiaries but also for operational expenses of the staff like wages and salaries, trainings, monitoring or evaluation and other administrative expenses. So why have these lapses in the determination of CCT beneficiaries in the past?” wika ni Albano.

Binnaggit pa ni Albano na noong nakaraang taong 2011, sa kabuuang P21.194 bilyon na inilaan para sa CCT program, may P1.6 bilyon dito ang inilaan para sa “training” at P676.87 milyon naman para sa “monitoring/evaluation and administrative expenses” ng mga kawaning kinuha para sa implementasyon nito.

“We want to know from the DSWD how these fund components for training and monitoring under the CCT program are being used. Why have there been lapses in the selection of CCT beneficiaries despite these huge budgetary allocations?” ayon pa rin kay Albano.

Matatandaan na sa nagdaang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ay aabot na sa P3.8 milyon ang bilang ng mga mahihirap na pamilya na tatanggap ng buwanang cash allowance sa ilalim ng CCT program.

Ito’y nangangahulugan na P44.3 bilyon ang inilalaan sa susunod na taon para sa programang ito na mas mataas ng 12.4 porsyento kumpara sa budget nito ngayong taon o katumbas ng 78.8 porsyento ng kabuuang panukalang budget ng DSWD para sa 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply