Disaster funds ng LGUs ipambili ng kagamitan sa pagliligtas

INATASAN kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs), kasama na ang mga barangay na gamitin ang 70% ng kanilang 5% na disaster funds para maipambili ng mga pangunahing kagamitan sa pagliligtas sa panahon ng kalamidad at hindi para sa kanilang pasahod.

Ito ang naging paglilinaw kahapon ni DILG Usec. Austere Panadero sa Tapatan sa Timog Katagalugan matapos daluhan ng may 900 lumahok sa nasabing forum.

Ani Panadero hindi aniya nararapat na gastusin ng bawat LGUs ang kanilang pondo mula sa kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) fund nasabing pondo para ipansuweldo sa kanilang mga tauhan at sa halip ay ibili na lang aniya ng mga kinakailangang emergency response equipment.

Ang mga nasabing kagamitan ay kinabibilangan ng rubber boats, inflatable rafts, rain gauges, warning bells, high power torches, fire extinguishers; para sa lindol ay – forklift, grader, hack saw, backhoe, electric drill, megaphone, safety full body harness.

Para naman sa pagsabog ng bulkan, kinakailangan ang rescue whistle, warning bells, search lights, breathing apparatus, forklift; and for landslide – dump truck, foldable stretcher, pulling and lifting machine, first aid boxes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply