Disgrasya sa motorsiklo sa mga imburnal

SA pagdaan natin sa mga aspaltadong kalsada sa Metro Manila, ang daming hinuhukay na umano’y puwesto ng mga takip ng mga imburnal.

Pilit na hinahanap ng Metro Manila Development Authority ang mga butas ng imburnal na nawawala umano.

Ang sabi mahigit sa 600 ang mga imburnal na nawawala dahil sa natakpan ang kanilang mga bunganga ng mga aspalto.

oOo

Habang nagkakalkal ang MMDA at Department of Public Works and Highways, nag-iwan naman sila ng mga butas na may dalawa hanggang limang pulgadang butas.

Nadaragdag ang mga ito sa mga butas ng imburnal na hindi natakpan at matatagpuan sa napakaraming lugar.

Dahil sa mga malalim na butas, alam ba ninyong napakaraming sasakyan ang nasisira?

Magugulat ka na lang sa napakalalakas na pagkasyut ng gulong ng iyong sasakyan lalo na kung may ulan.

Kung may ulan kasi, hindi nakikita ang mga butas dahil puno ng tubig ang mga ito.

At napakadelikado talaga ang dumaan sa mga ito.

oOo

Ang mga motorsiklo ang talagang nadidisgrasya sa mga ito.

Ilang beses na tayong nakakikita at nakasunod sa mga motorsiklo na sumesemplang dahil sa mga butas ng imburnal.

May mga bata pa nga na sakay-sakay ng mga motorsiklo na nadidisgrasya.

Karaniwang pumupunta o pauwi ang mga ito mula sa mga eskuwela.

oOo

Dahil sa mga disgrasya sa mga sasakyan na nakamamatay, mungkahi natin na gawan ng paraan ang mga malalalim na butas ng mga imburnal.

Hindi sapat na may takip ang mga ito dahil nakadidisgrasya talaga ang lalim na hanggang limang pulgada.

Dapat na kakambal ng programa laban sa baha gamit ang mga imburnal  ang programang pangkaligtasan sa mga motorista.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply