DOE, PNOC balasahin – solon

PINABABALASA ng isang mambabatas ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) at Philippine National Oil Company (PNOC)., Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) at iba pang ahensiya na direktang sangkot power at energy industry.

Kasunod ito ng pagtaas ng singgil sa kuryente dahil  nabigo ang mga naturang ahensiya na matugunan ang nagaganap  na kakapusan sa suplay ng kuryente sa Mindanao at napipintong  energy crisis sa Luzon, ayon  kay Bayan Muna Rep. Teddy Casino.

“Most of these executives lack the knowledge and experience in handling energy matters while some are serving as stooges of the big players in the energy industry,” ani Casino.

Tinukoy ng kongresista sina DOE Secretary Jose Almendras, na dating top executive ng Ayala at Aboitiz companies at DOE Undersecretary Jose Layug na nagsilbi namang legal counsel sa Chevron bago pumasok sa gobyerno.

Kinuwestiyon din ng mambabatas kung papaano maasahan umano si Almendras na mahigpit na maipatupad at ma-regulate ang mga oil companies at suppliers ng kuryente kung ang interes ng mga ito ay dati niyang isinusulong.

Hind rin aniya dapat itinalaga ni Presidente Aquino ang dalawang opisyal sa energy sector at tinanggihan sana ng mga ito ang posisyon upang maiwasan ang posibleng conflict of interest.

Isa pang dapat palitan, ani Casiño ay si PNOC President Antonio Cailao dahil sa kuwestiyonableng aksyon nito sa pagtrato sa Shell at Chevron ukol sa Malampaya venture.

Ipinanukala ni Cailao ang pagpapalawig sa kontrata ng Malampaya ng 13 taon at sinuportahan din nito ang US1$ Billion gastos para sa pagpapatayo ng buildings para gamiting opisina ng mga bagong opisyal.

“We tried to give these officials the benefit of the doubt when they were appointed but it seems that they have the interests of the Big 3 and power companies at heart instead of the welfare of consumers,” pagtatapos ni Casiño.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply